𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 𝐀𝐓 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐔𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐁𝐈𝐆, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐀𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍

Isinusulong ang isang inisyatibong magbibigay ng malinis at ligtas na inuming tubig sa komunidad ng Ligawasan matapos talakayin ng Pamahalaan ng nasabing bayan at ng Ministry of Science and Technology (MOST) – BARMM ang isang project proposal hinggil sa paggamit ng water ceramic filter.

Pinangunahan ng mga kinatawan ng MOST ang konsultasyon kung saan inilatag ang mga konkretong plano at posibleng hakbang para sa implementasyon ng proyekto na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa ligtas na inuming tubig.

Dinaluhan ito ng mga department heads ng LGU Ligawasan sa pangunguna ni Municipal Administrator/Consultant Omolhayr M. Talembo, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng proyekto.

Sa naturang talakayan, binigyang-pansin ang potensyal ng water ceramic filter technology bilang isang praktikal at abot-kayang solusyon sa water safety, lalo na sa mga komunidad na may limitadong access sa malinis na tubig.

Ayon sa mga opisyal, ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang kalusugan ng mamamayan at palakasin ang mga serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Inaasahang magbubukas ang proyekto ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng LGU at mga regional agencies upang maisakatuparan ang mga programang direktang makikinabang ang mga residente ng Ligawasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020400
Views Today : 2
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 755
Views Last 30 days : 3587
Views This Month : 1814
Views This Year : 17676
Total views : 29811