Nakabenepisyo ang mga residente ng Rosary Heights 3 at Poblacion 4 sa Cotabato City matapos ilunsad ang programang Libreng Tubig sa pangunguna ni Atty. Sheriff Abas.
Agad na umaksyon ang opisyal upang tugunan ang ilang araw na water interruption na naranasan sa dalawang barangay, na nagdulot ng abala sa pang-araw-araw na gawain ng mga residente.
Sa pamamagitan ng nasabing inisyatiba, pansamantalang naibsan ang kakulangan sa suplay ng tubig, bagay na lubos na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga benepisyaryo.
Ayon sa mga residente, malaking tulong ang libreng tubig habang hinihintay ang pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay.









Views Today : 66
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 839
Views Last 30 days : 4408
Views This Month : 2944
Views This Year : 29538
Total views : 41673
Leave a Reply