π’πŽπ‹π€π‘ π‹πˆπ†π‡π“π’ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€πƒπ‘π€π’π€π‡β€”π‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π€π‹π€πŒπ€π

Isinagawa ang ribbon-cutting ceremony para sa bagong install na sampung (10) solar lights sa Ma’had Amilasan sa Sulu Province, bilang suporta sa Qur’an memorization at Islamic education sa komunidad.

Ang proyekto ay bahagi ng programang β€œLiwanag at Kabataan,” na inisyatiba ng Bangsamoro Youth Commission na pinangunahan ni BYC Chairperson Nas Dunding at ipinatupad ng Ministry of Human Settlements and Development BARMM sa pamamagitan ng 2024 Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni Raissa Jajurie.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral, lalo na sa gabi, sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga Asatidz at mag-aaral sa mas ligtas at maayos na pasilidad.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang edukasyon at kabataan sa Bangsamoro sa pamamagitan ng makabago at sustenableng mga solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

028617
Views Today : 118
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 870
Views Last 30 days : 4435
Views This Month : 3088
Views This Year : 29682
Total views : 41817