“𝐊𝐀𝐋𝐌𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!”— 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐄𝐂. 𝐆𝐄𝐍. 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐂𝐔𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐄𝐑𝐒

Sa gitna ng umiinit na usapin ng diskwalipikasyon ng United Bangsamoro Justice Party na nakabinbin sa Commission on Elections, nagpaalala si Abdulraof Macacua na tila ba kailangan pang ipaalala na mas mainam umanong manatiling “legal” ang galawan.

Ayon kay Macacua, dapat palakasin ang legal team at sagutin nang maayos ang mga alegasyon. Sa madaling salita, batas muna bago drama. Dagdag pa niya, iwasan din ang masasakit na salita laban sa COMELEC dahil, siyempre, hindi raw makakatulong kung mapipikon ang ahensyang may hawak ng desisyon.

Hindi rin nakaligtas sa kanyang paalala ang mga “all-out war” na pahayag sa social media. Aniya, baka raw kasi ito pa ang maging ebidensya laban sa kanila. Kaya kung may balak magpaka-keyboard warrior, baka kailangan munang mag-isip nang dalawang beses o higit pa.

Samantala, iminungkahi rin niya ang paghahanap ng kakampi at ang pag-iwas sa agarang paghuhusga. Dahil sa gitna ng lahat, mukhang mas kailangan ang strategy kaysa init ng ulo.

Sa ngayon, hindi pa rin pinal ang desisyon sa usapin ng diskwalipikasyon. Kaya habang naghihintay, malinaw ang mensahe: kalma lang kahit mukhang mahirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024556
Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505