“𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂!”—𝐃𝐄𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐒𝐔𝐄 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀𝐆

Iginiit ni Former Solicitor General- ARMM Atty. Frances Cynthia J. Guiani na hindi saklaw ng Commission on Elections ang paghusga sa isyu ng decommissioning sa loob ng Bangsamoro peace process, sa gitna ng inihain na petisyon laban sa United Bangsamoro Justice Party.

Ayon kay Atty. Guiani, ang usapin ng decommissioning ay nasa hurisdiksyon ng Independent Decommissioning Body at ng mga peace panels, at hindi dapat dinadala sa proseso ng party registration. Binigyang-diin niya na ang paggamit ng isyung ito bilang batayan sa opposition case ay maituturing na “collateral attack” laban sa mismong peace process.

Dagdag pa niya, limitado lamang ang mandato ng COMELEC sa pagtukoy kung natutugunan ng isang partido ang mga rekisito sa ilalim ng batas—tulad ng pagkakaroon ng malinaw na plataporma, opisyal na tanggapan, at sapat na membership base.

Ang pahayag ay kasunod ng alegasyon sa petisyon na ang umano’y hindi ganap na decommissioning ay nag-iwan ng libu-libong armado, na ginamit bilang argumento laban sa rehistrasyon ng UBJP.

Sa kabila nito, nanawagan si Guiani na igalang ang tamang proseso at hangganan ng bawat institusyon, at tiyakin na ang mga legal na mekanismo ay hindi ginagamit sa paraang lumalampas sa kanilang layunin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024556
Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505