𝐓𝐏𝐌𝐓, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 “𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐈𝐁𝐈𝐃𝐖𝐀𝐋,” 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐔𝐒𝐇 𝐒𝐀 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐀𝐂𝐂𝐑𝐄𝐃𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒

Sa gitna ng lumalabas na mga hindi beripikadong ulat na iniuugnay ang isang indibidwal ang nakipagnegosasyon sa Commission on Elections (COMELEC) para sa accreditation ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), malinaw na itinuturo ngayon ng mga pangyayari na ang pangunahing nagtulak sa usapin ay ang Third Party Monitoring Team (TPMT) bilang bahagi ng pangangalaga sa integridad ng Bangsamoro peace process.

Ayon sa mga tala at serye ng mga pagpupulong, mas pinaigting ng TPMT ang kanilang pakikipag-ugnayan sa COMELEC sa pamamagitan ng media briefings at high-level engagements upang ipabatid ang kahalagahan ng pagprotekta sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at ang pagpapanatili ng mapayapa, malinis, at demokratikong halalan sa BARMM.

Kasabay nito, isa-isang sinagot ng legal team ng UBJP ang mga petisyong inihain laban sa kanilang accreditation. Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y paglabag sa gun ban, pagkakaroon ng armadong kaugnayan, at isyu ng foreign funding.

Ngunit ayon sa kampo ng UBJP, ang mga paratang ay nakabatay lamang sa hearsay, hindi authenticated na social media posts, at mga alegasyong walang sapat na ebidensya upang patunayan ang mga akusasyon.

Para sa marami, ang usapin ay hindi na lamang simpleng accreditation ng isang political party. Mas malawak umano ang implikasyon nito sa pagpapatuloy ng Bangsamoro transition at sa pangangalaga sa mga tagumpay ng usapang pangkapayapaan.

Sa huli, binibigyang-diin ng mga stakeholder na ang tunay na laban ay hindi tungkol sa pulitika ng pagkakahati, kundi sa pagpapatibay ng demokratikong proseso bilang pundasyon ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024556
Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505