Patuloy ang konstruksyon ng bagong Covered Court sa South Upi bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagpapalawak ng mga proyektong pang-imprastraktura ng Provincial Government of Maguindanao del Sur.
Sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang, Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, at Cong. Esmael Mangudadatu, layunin ng proyekto na magbigay ng ligtas at maayos na espasyo para sa mga aktibidad pangkomunidad, palakasan, pagtitipon, at iba pang programang pangkabataan at pampubliko.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, hindi lamang simpleng pasilidad ang Covered Court kundi bahagi rin ng kanilang peacebuilding advocacy upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa, dayalogo, at maayos na samahan sa komunidad.
Itinuturing din ang proyekto bilang isang “safe space” para sa mga kabataan, mag-aaral, at residente ng South Upi kung saan maaari silang magsama-sama sa isang ligtas at positibong kapaligiran.
Binigyang-diin ng pamahalaan na ang pagpapatayo ng mga proyektong tulad nito ay bahagi ng “Serbisyong May Puso,” na naglalayong mapalapit ang serbisyo ng gobyerno at mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao del Sur.








Views Today : 34
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 984
Views Last 30 days : 3704
Views This Month : 787
Views This Year : 23366
Total views : 35501
Leave a Reply