𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐑𝐀𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐎𝐀𝐓𝐇-𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐀𝐓 𝐄𝐌𝐏𝐋𝐄𝐘𝐀𝐃𝐎

Inanunsyo ng Ministry of Basic Higher and Technical Education sa pamamagitan ng Human Resource and Management Division ang pagsasagawa ng Oath-Taking Ceremony at Signing of Appointments para sa mga bagong hired na Teacher I, promoted personnel, at non-teaching personnel ng Schools Division Office ng Cotabato City at MBHTE Main Office.

Gaganapin ang naturang seremonya sa Mayo 22, 2026 ganap na alas-1 ng hapon sa Cotabato City Central Pilot School.

Bilang paghahanda sa pagsusumite ng mga dokumento sa Civil Service Commission, inatasan ang lahat ng appointees na isumite ang kanilang kumpleto at wastong requirements para sa review sa Mayo 20, 2026 sa Old MBHTE Main Office, RELC Building mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Naglabas din ang MBHTE ng prescribed dress code para sa mga dadalo sa seremonya: white long sleeves o polo at black skirt, slacks, o pants bilang bahagi ng pormalidad ng aktibidad.

Ayon sa MBHTE, layunin ng programa na tiyakin ang maayos at episyenteng pagproseso ng mga appointment at higit pang mapalakas ang professionalism at kalidad ng serbisyo sa sektor ng edukasyon sa Bangsamoro.

Para sa listahan ng appointees at requirements, maaaring bisitahin ang: MBHTE Appointees and Requirements List

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024553
Views Today : 34
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 984
Views Last 30 days : 3704
Views This Month : 787
Views This Year : 23366
Total views : 35501