Matagumpay na naipamahagi ng Ministry of Basic Higher and Technical Education ang kabuuang 2,620 MBHTE-designed small armchairs sa iba’t ibang paaralan sa Schools Division of Lanao del Sur I mula Abril 10 hanggang 24, 2026 sa ilalim ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro (IQBAL).
Layunin ng programa na mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maayos at komportableng gamit sa loob ng silid-aralan.
Kabilang sa mga benepisyaryong paaralan ang Sariguidan Madiar PS, Gadongan PS, Maribo ES, Tamparan Central Pilot ES, Tamparan Proper ES, Pitakus CES, at iba pang pampublikong paaralan sa lalawigan.
Ayon sa MBHTE, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng kalidad na edukasyon at pagpapalakas ng educational infrastructure sa Bangsamoro region upang masiguro ang mas maayos na karanasan sa pagkatuto ng mga estudyante.
Patuloy namang isinusulong ng ministry ang mga programang nakatuon sa pagpapahusay ng pasilidad at learning resources bilang suporta sa inclusive at learner-centered education system sa BARMM.









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply