π‚πˆπ•πˆπ‹ π’πŽπ‚πˆπ„π“π˜ π†π‘πŽπ”ππ’: 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 π‡π€π˜π€π€ππ† πŒπ€π”π–πˆ 𝐒𝐀 π†π”π‹πŽ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ‘πˆπ’πˆπ’ 𝐒𝐀 ππ€ππ†π’π€πŒπŽπ‘πŽ

Naglabas ng β€œStatement of Concern and Call for Sobriety and Unity” ang iba’t ibang peace advocates, civil society organizations, akademya, labor groups, at business sectors kaugnay sa umiinit na tensyon at pampublikong palitan ng pahayag sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa magkasanib na pahayag na may petsang Mayo 19, 2026, nagpahayag ng matinding pag-aalala ang mga lumagda hinggil sa lumalalim na political tensions sa gitna ng kritikal na yugto ng Bangsamoro peace process at regional transition.

Nanawagan ang mga grupo sa lahat ng lider at stakeholders na pairalin ang pagpipigil, karunungan, at mahinahong pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan upang maiwasan ang anumang hakbang o retorikang maaaring magdulot ng mas matinding hidwaan o tensyon sa komunidad.

Binigyang-diin sa pahayag na ang Bangsamoro peace process ay dapat manatiling nakatuon sa kapakanan ng mamamayang Bangsamoro at hindi sa personal o political interests. Ayon sa kanila, ang mga usapin sa governance at accountability ay dapat maresolba sa pamamagitan ng due process, fairness, at mga mekanismong itinatag sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Partikular ding nanawagan ang mga signatories kina Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at MBHTE Minister Mohagher Iqbal na gamitin ang lahat ng paraan para sa dialogue at internal resolution sa diwa ng pagkakaisa, respeto, at kolektibong pananagutan bilang mga lider ng Bangsamoro transition.

Kasabay nito, nanawagan din sila sa pambansang pamahalaan at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-pansin ang kasalukuyang sitwasyon at tiyaking mapoprotektahan ang mga tagumpay ng peace process. Hiniling din nila ang agarang reconstitution at full activation ng GPH-MILF Peace Implementing Panels upang matugunan ang mga lumalabas na isyu at mapanatili ang buong implementasyon ng CAB.

Nagbabala rin ang mga grupo laban sa anumang hakbang na maaaring magpalalim ng polarization o magdulot ng karahasan habang papalapit ang 2026 BARMM elections. Ayon sa kanila, ang kapayapaan, katatagan, at pagkakaisa ay dapat manatiling pangunahing prayoridad ng lahat ng panig.

Kabilang sa mga lumagda sa pahayag ang iba’t ibang civil society organizations at peace advocates mula sa Bangsamoro at iba pang bahagi ng bansa, kabilang sina dating peace officials at mga personalidad na matagal nang nakikibahagi sa peacebuilding efforts sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

024536
Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476