Nagbahagi ng mensahe si Prof. Tahir G. Nalg, MAIS, Director General for Madaris Education ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), kaugnay sa patuloy na pagsusulong ng Madaris Education sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kanyang mensahe para sa “Murabbi 2025,” binigyang-diin ni Nalg ang kahalagahan ng Madaris Education bilang mahalagang bahagi ng paghubog ng identidad, kultura, at kinabukasan ng Bangsamoro community.
Ayon sa kanya, malaking hakbang para sa rehiyon ang patuloy na suporta ng BARMM Government sa Islamic education, kabilang ang financial assistance para sa mga Asatidz at iba’t ibang programang naglalayong mapalakas ang kalidad ng pagtuturo sa mga madaris institutions.
Ipinunto rin niya na ang pag-unlad ng Madaris Education ay hindi lamang nakatuon sa religious instruction kundi maging sa paghahanda ng mga mag-aaral upang maging produktibo at handa sa makabagong hamon ng lipunan sa pamamagitan ng balanseng Islamic at secular education.
Binigyang-pugay din ni Nalg ang mahalagang papel ng mga Asatidz, guro, at education leaders sa pagsusulong ng dekalidad at inklusibong edukasyon sa Bangsamoro.
Kabilang din sa mga binanggit sa mensahe ang pagpapalawak ng Public Madrasah Program sa iba’t ibang lugar sa BARMM at ang patuloy na pagbibigay ng technical assistance sa mga private madaris upang mas mapalakas ang educational system sa rehiyon.
Ayon pa sa opisyal, nananatiling layunin ng MBHTE na itaguyod ang edukasyong nakaugat sa pananampalataya, kaalaman, at pagkakaisa bilang pundasyon ng isang mas maunlad at mapayapang Bangsamoro.









Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply