Naglabas ng pahayag si Atty. Asgar Mandal kaugnay sa isyung kinakaharap ng kanilang kliyente matapos makatanggap ng Notice to Explain mula sa Bangsamoro Attorney General’s Office.
Ayon sa abogado, kinikilala ng kanilang kliyente ang awtoridad ng investigating office at nakahandang magsumite ng buong paliwanag nang tapat at naaayon sa itinakdang proseso ng batas.
Gayunman, binigyang-diin ni Mandal na ang mga alegasyon at pampublikong espekulasyon ay hindi dapat ituring na ebidensya ng anumang maling gawain. Aniya, mahalagang manaig ang due process, fairness, at presumption of regularity sa gitna ng umiiral na usapin.
Mariin ding itinanggi ng kampo ng kanilang kliyente ang anumang insinuation na sadyang pinabayaan ang serbisyo publiko. Ayon sa kanila, ang lahat ng paratang ay maayos na sasagutin sa tamang forum at sa ilalim ng wastong legal at administratibong proseso.
Nanawagan din si Mandal sa publiko at media na pairalin ang pagiging responsable, maingat, at patas sa pagtalakay ng isyu habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, sinabi ng abogado na nananatiling nakatuon ang kanilang kliyente sa pagpapatuloy ng kalidad at makabuluhang serbisyo, lalo na sa sektor ng edukasyon para sa mamamayan ng Maguindanao del Norte.









Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply