𝐁𝐓𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐋 𝟒𝟓𝟖, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎, 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐇𝐎𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐃𝐑𝐀𝐒𝐀𝐇

Sa isinagawang sesyon ng Bangsamoro Parliament kahapon, kabilang sa mga panukalang batas na nakapasok sa first reading ang BTA Bill No. 458 na inihain ni MP Mohammad Kelie U. Antao. Layunin ng naturang panukala na mapalakas, mapanatili, at higit pang mapaunlad ang mga tradisyunal na Madaris o Madrasah sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng panukalang batas ang pagbibigay ng financial subsidies sa mga tradisyunal na Madrasah, pagpapalakas ng suporta sa mga ustadz at mag-aaral, pagpapabuti ng mga pasilidad, capacity-building programs, pag-aayos ng kurikulum, at iba pang programang magpapaunlad sa kalidad ng edukasyong Islamiko sa rehiyon.

Ayon kay MP Antao at sa iba pang may-akda ng panukala, mahalaga ang papel ng tradisyunal na Madrasah sa pagpapanatili ng kultura, pananampalataya, at moral values ng sambayanang Bangsamoro. Binigyang-diin din nila na ang pagpapatibay sa Islamic education ay bahagi ng pagsusulong ng moral governance at ng mas inklusibong sistema ng edukasyon sa BARMM.

Naniniwala ang mga sumusuporta sa panukala na hindi dapat maiwan sa sistema ng pamahalaang Bangsamoro ang mga tradisyunal na institusyong pang-edukasyon na matagal nang nagsisilbing gabay sa espiritwal, moral, at intelektwal na paghubog ng mga kabataang Bangsamoro.

Inaasahan namang daraan pa sa mga susunod na deliberasyon at konsultasyon sa Bangsamoro Parliament ang nasabing panukalang batas bago ito tuluyang maaprubahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024539
Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1048
Views Last 30 days : 3784
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485