Nagbigay ng pahayag si Mussolini Sinsuat Lidasan, Director ng Al Qalam Institute ng Ateneo de Davao University at dating Commissioner ng Bangsamoro Transition Commission, kaugnay sa usapin ng COA findings laban kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal.
Sa isang media interview, binigyang-diin ni Lidasan ang kahalagahan ng due process at patas na pagdinig sa anumang alegasyon laban sa mga opisyal ng gobyerno. Ayon sa kanya, hindi pa umano pinal at conclusibo ang mga findings ng Commission on Audit (COA) laban sa MBHTE, kaya nararapat lamang na mabigyan ng pagkakataon si Iqbal na maipagtanggol ang kanyang sarili sa tamang forum at proseso.
Inihalintulad din niya ang sitwasyon sa iba pang kontrobersiyang pulitikal sa bansa kung saan, aniya, may mga pagkakataong nagagamit ang mga alegasyon at findings laban sa mga personalidad bago pa man matapos ang legal o administrative process.
Ayon kay Lidasan, nakikita niya umanong may “pattern” sa mga nangyayaring kontrobersiya sa loob ng BARMM leadership, kabilang ang mga naunang usapin laban sa ilang matataas na opisyal ng Bangsamoro government.
Dagdag pa niya, mahalagang iwasan ang agarang paghusga lalo na kung wala pang pinal na desisyon o kasong naisasampa. Para kay Lidasan, mahalagang pairalin ang presumption of innocence at hayaang dumaan sa tamang proseso ang anumang alegasyon.
Ipinahayag din niya ang personal niyang paniniwala na dapat bigyang pagkakataon si Minister Mohagher Iqbal na sagutin ang mga paratang laban sa kanya, lalo na’t matagal na umano itong bahagi ng pakikibaka para sa karapatan at self-determination ng Bangsamoro people.
Sa ngayon, patuloy pa ring hinihintay ang mga susunod na developments kaugnay sa COA findings at sa mga hakbang na maaaring gawin ng BARMM leadership hinggil sa usapin.









Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply