𝐔𝐍𝐇𝐑𝐂 𝐒𝐔𝐁𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐈𝐂𝐂 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐎𝐒 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Umiikot ngayon online ang isang dokumentong isinumite sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay sa patuloy na pagkakadetine ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) Detention Center sa The Hague, Netherlands.

Ang naturang written submission ay inihain ng International Career Support Association (ICSA), isang non-government organization na may special consultative status sa United Nations. Nakasaad sa dokumento ang iba’t ibang alegasyon at argumento kaugnay sa umano’y “arbitrary detention” kay Duterte at ang sinasabing “instrumentalization” o paggamit umano sa ICC bilang bahagi ng domestic political conflict sa Pilipinas.

Kabilang sa mga tinalakay sa submission ang mga usapin hinggil sa political neutrality ng ICC, presumption of innocence, due process, at ang epekto umano ng kaso sa domestic political situation sa bansa. Binanggit din sa dokumento ang ilang kontrobersiyang pulitikal at alegasyon laban sa kasalukuyang administrasyon, kabilang ang umano’y paggamit ng impeachment proceedings, public funds issues, at iba pang political developments.

Kasama rin sa isinumiteng dokumento ang panawagang pag-aralan ng UN Human Rights Council ang sitwasyon ni dating Pangulong Duterte, kabilang ang kahilingang mabigyan siya ng provisional release habang hinihintay ang pagpapatuloy ng legal proceedings sa ICC.

Gayunman, mahalagang tandaan na ang mga nakasaad sa dokumento ay pahayag at posisyon ng nagsumiteng organisasyon at hindi pa nangangahulugang opisyal na pananaw o desisyon ng United Nations Human Rights Council o ng ICC.

Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon mula sa ICC o sa Malacañang kaugnay sa nilalaman ng nasabing submission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024537
Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477