Tumanggap ng cash assistance ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Maguindanao del Sur sa ilalim ng programang inilunsad ng Department of Migrant Workers Region XII katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur nitong Mayo 20, 2026 sa Provincial Capitol Lobby.
Personal na ipinagkaloob ni Samsudin T. Lintongan ang kabuuang ₱300,000 financial assistance para sa 13 OFW beneficiaries. Tatlong benepisyaryo ang tumanggap ng ₱30,000 habang sampu naman ang nakatanggap ng tig-₱15,000 batay sa kwalipikasyon ng programa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Provincial Administrator – MDS Datu Nur-Ali Midtimbang ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na monitoring at suporta sa mga benepisyaryo upang matiyak na magiging matagumpay ang kanilang kabuhayan.
Ayon sa kanya, handa ang pamahalaang panlalawigan na magbigay pa ng karagdagang tulong sa mga OFWs na magpapakita ng magandang resulta sa kanilang livelihood initiatives.
Ang naturang cash assistance ay bahagi ng Enhanced Livelihood Program for OFW Reintegration (LPOR), isang programang naglalayong magbigay ng panimulang puhunan at oportunidad sa mga OFWs na nagpasyang manatili na sa bansa.
Ipinunto rin ng mga opisyal na ang programa ay nakaangkla sa Sustainable Development Goal 8 o Decent Work and Economic Growth, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng proteksyon, disenteng trabaho, at matagumpay na reintegration para sa mga bagong bayani ng bansa.







Views Today : 116
Views Yesterday : 59
Views Last 7 days : 823
Views Last 30 days : 3832
Views This Month : 3701
Views This Year : 30295
Total views : 42430
Leave a Reply