Buong pagmamalaking nakiisa ang BARMM Sultans sa grand parade ng Palarong Pambansa 2026 ngayong Agosto 24 bilang bahagi ng Opening Ceremony na ginanap sa Datu Lipus Makapandong, Governor D.O. Plaza Sports Complex.
Kasabay ng iba’t ibang delegasyon mula sa buong bansa, buong dangal na nagmartsa ang BARMM Sultans habang dala ang adhikain, katatagan, at mayamang kultura ng mamamayang Bangsamoro.
Sa ilalim ng temang “Unlocking the Future Through Sports,” ipinakita ng delegasyon ang kanilang pagkakaisa at kahandaang makipagtagisan sa ilan sa pinakamahuhusay na batang atleta sa bansa.
Ayon sa mga opisyal ng delegasyon, layunin ng BARMM Sultans na hindi lamang makapag-uwi ng karangalan kundi maipakita rin ang potensyal, disiplina, at sportsmanship ng bawat Atletang Bangsamoro sa pambansang entablado.
Bitbit ng mga atleta ang pag-asang makapagbigay-inspirasyon sa kabataang Bangsamoro habang patuloy na isinusulong ang pagkakaisa at pag-unlad sa pamamagitan ng sports.








Views Today : 113
Views Yesterday : 59
Views Last 7 days : 820
Views Last 30 days : 3829
Views This Month : 3698
Views This Year : 30292
Total views : 42427
Leave a Reply