Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mahusay at responsableng serbisyo publiko, nagsagawa ng coordination meeting si Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang kasama si Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando at 𝟐𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐜𝐡𝐚𝐧𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐁𝐚𝐭𝐭𝐚𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐚𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐋𝐓𝐂 𝐑𝐚𝐮𝐥 𝐏. 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐭 R upang talakayin ang nalalapit na send-off activity para sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa Kabuling Elementary School.
Nakatuon ang pagpupulong sa paghahanda ng mga kinakailangang logistical arrangements at koordinasyon upang matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na nakatakda sa Hunyo 2, 2026.
Partikular na binigyang-pansin ng mga opisyal ang kapakanan ng limampu’t apat (54) na evacuees mula sa Barangay Kabuling, Pandag, kabilang ang mga hakbang upang matiyak ang kanilang ligtas na pagbabalik at patuloy na pagbangon mula sa kanilang pinagdaanang pagsubok.
Tinalakay rin ang mahalagang papel ng iba’t ibang tanggapan at ahensiya sa pagsasagawa ng magkakaugnay na mga hakbang para sa rehabilitasyon, reintegration, at pangmatagalang katatagan ng mga apektadong komunidad.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa kanilang patuloy na dedikasyon na maghatid ng maagap at makataong serbisyo habang tinutulungan ang mga komunidad na makabangon, maging matatag, at muling makapagsimula tungo sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan.









Views Today : 268
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1003
Views Last 30 days : 3739
Views This Month : 726
Views This Year : 23305
Total views : 35440
Leave a Reply