Isang mahalagang hakbang sa proseso ng akreditasyon ang natamo ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) matapos humarap ang mga kinatawan nito sa pagdinig ng Commission on Elections (COMELEC) en banc kaugnay ng kanilang petisyon na kilalanin bilang Dominant Majority Political Party.
Pinangunahan nina Atty. Mary Ann M. Arnado, Vice President for Women’s Sector Aida Silongan, Ulama Sector candidate Dr. Nadzir Ebil, at spokesperson Mohajirin T. Ali ang pagharap sa pagdinig. Kasama rin sa isinailalim sa deliberasyon ang mga petisyon ng iba pang sampung regional parliamentary political parties.
Matapos ang pagdinig, idineklara ni COMELEC Chairman Garcia na ang mga petisyon ay “deemed submitted for resolution,” hudyat na nakumpleto na ang kinakailangang presentasyon at dokumentasyon at naghihintay na lamang ng pinal na pasya ng komisyon. Ang magiging desisyon ng COMELEC ay inaasahang magiging mahalagang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na parliamentary elections sa Bangsamoro.






Views Today : 100
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 695
Views Last 30 days : 3543
Views This Month : 1448
Views This Year : 24027
Total views : 36162
Leave a Reply