KAPALAWAN, MAGUINDANAO DEL SUR – Tumanggap ng agarang tulong ang 116 Internally Displaced Persons (IDPs) sa Barangay Kibayao, Kapalawan mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong Hunyo 15, 2026, matapos maapektuhan ng armadong sigalot sa lugar.
Bawat benepisyaryong pamilya ay pinagkalooban ng family food packs na naglalaman ng 25 kilong bigas, kape, at mga de-latang pagkain, gayundin ng water kits at hygiene kits upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan habang sila ay nasa pansamantalang paglikas.
Ayon sa ulat, unti-unti nang nakababalik sa kanilang mga tahanan ang ilang pamilyang naapektuhan ng kaguluhan, habang ang iba naman ay pansamantalang nanunuluyan pa sa kanilang mga kamag-anak habang hinihintay na tuluyang maging ligtas ang kanilang lugar.
Layunin ng MSSD na matiyak na ang mga apektadong pamilya ay may sapat na suporta sa panahon ng kanilang pagbangon at muling pagbuo ng kanilang kabuhayan. Patuloy rin ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya upang maihatid ang kinakailangang tulong at mapadali ang ligtas na pagbabalik ng mga residente sa kanilang komunidad.
Ang pamamahagi ng ayuda ay bahagi ng patuloy na humanitarian response ng pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng armadong tunggalian at iba pang krisis sa Bangsamoro.








Views Today : 53
Views Yesterday : 113
Views Last 7 days : 910
Views Last 30 days : 3661
Views This Month : 1940
Views This Year : 24519
Total views : 36654
Leave a Reply