Matagumpay na isinagawa ng Tanggapan ni Member of Parliament Muhammad Nadzir S. Ebil ang dalawang araw na βDistribution of Rice Assistance to Vulnerable Sectorsβ sa ilalim ng Project Tabang noong Hunyo 12, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Sa naturang programa, maraming benepisyaryo mula sa ibaβt ibang barangay at sektor ang tumanggap ng tig-25 kilong bigas, na nagbigay ng malaking ginhawa sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.
Maaga pa lamang ay dumagsa na ang mga residente sa itinakdang lugar ng pamamahagi upang makuha ang kanilang ayuda. Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking tulong ang natanggap nilang bigas upang mabawasan ang gastusin ng kanilang pamilya.
Muling pinagtibay ng Tanggapan ni MP Muhammad Nadzir S. Ebil ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan.
Binigyang-diin din na ang matagumpay na pagpapatupad ng Project Tabang ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng mga katuwang na organisasyon, mga boluntaryo, at ng aktibong pakikilahok ng komunidad sa paghahatid ng serbisyong publiko sa mga Bangsamoro.








Views Today : 52
Views Yesterday : 113
Views Last 7 days : 909
Views Last 30 days : 3660
Views This Month : 1939
Views This Year : 24518
Total views : 36653
Leave a Reply