πŠπ€ππ€π“π€π€π 𝐀𝐓 π‡π”πŒπ€ππˆπ“π€π‘πˆπ€π π‚πŽπŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ, π’π„ππ“π‘πŽ 𝐍𝐆 ππ€π†ππ”ππ”π‹πŽππ† 𝐍𝐈 𝐀𝐋 𝐇𝐀𝐉 πŒπ”π‘π€πƒ 𝐀𝐓 𝐆𝐄𝐍Ç İ𝐇𝐇

Inimbitahan ng GenΓ§ Δ°HH si Moro Islamic Liberation Front Central Committee (MILF-CC) Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim sa pagpupulong ng kanilang Board of Directors bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Bangsamoro at mga institusyon sa TΓΌrkiye.

Naging sentro ng talakayan ang mahalagang papel ng GenΓ§ Δ°HH bilang youth wing ng Δ°HH Humanitarian Relief Foundation, partikular sa paghubog at pagpapalakas sa kakayahan ng kabataan na maging aktibong bahagi ng humanitarian work at community development.

Tinalakay din sa pagpupulong ang mga posibleng larangan ng kooperasyon para sa mga programang nakatuon sa youth development, humanitarian assistance, volunteerism, at community empowerment.

Layunin ng mga talakayan na tukuyin ang mga oportunidad para sa mas malawak na pakikipagtulungan na maaaring pakinabangan ng mga mamamayan ng Republika ng TΓΌrkiye at ng Bangsamoro.

Ang pagpupulong ay isa pang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng ugnayan ng Bangsamoro sa mga international humanitarian at youth organizations, kasabay ng pagsusulong ng mga programang maaaring magbigay ng mas malaking papel at oportunidad sa susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng ganitong pakikipag-ugnayan, higit na nabibigyang-diin ang potensyal ng kabataan bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan, makataong paglilingkod, at pangmatagalang kaunlaran sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

028662
Views Today : 39
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 801
Views Last 30 days : 3757
Views This Month : 3154
Views This Year : 29748
Total views : 41883