MAGUINDANAO DEL SUR — Personal na nagtungo si Governor Datu Ali Midtimbang sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng malawakang pagbaha sa mga bayan ng Talayan at Guindulungan upang pangunahan ang relief operations at alamin ang kalagayan ng mga apektadong pamilya.
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Barangay Tambunan sa Talayan, gayundin sa Barangay Muti at Lambayaw sa Guindulungan, kung saan maraming pamilya ang naapektuhan ng mataas na pagbaha.
Bukod sa pamamahagi ng relief assistance, personal ding nakiramay ang Gobernador sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at kinumusta ang kalagayan ng mga evacuees.
Patuloy naman ang monitoring at relief operations ng mga lokal na disaster response teams sa mga apektadong lugar habang nagpapatuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.







Views Today : 8
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 905
Views Last 30 days : 4470
Views This Month : 3123
Views This Year : 29717
Total views : 41852
Leave a Reply