Agarang naghatid ng ayuda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha sa bayan ng Sultan sa Barongis.
Pinangunahan ni Governor Datu Ali M. Midtimbang ang pamamahagi ng 1,000 sako ng bigas at BARMM READi food packs bilang bahagi ng patuloy na humanitarian response ng pamahalaan para sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad.
Layunin ng programa na maibsan ang kagutuman at matulungan ang mga residenteng pansamantalang nawalan ng kabuhayan at naapektuhan ng malawakang pagbaha.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, magpapatuloy ang monitoring at relief operations upang matiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng pamilyang nangangailangan habang patuloy ang kanilang pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.








Views Today : 143
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 895
Views Last 30 days : 4460
Views This Month : 3113
Views This Year : 29707
Total views : 41842
Leave a Reply