Patuloy na pinalalakas ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang humanitarian response para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang.
Noong Hulyo 10, 2026, nagsagawa ang MSSD ng monitoring, assessment, at iPart profiling sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Sitio Poblacion, Barangay Tulunan.
Batay sa pinakahuling datos, 848 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha, habang 550 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa evacuation center sa Barangay Tulunan at iba pang evacuation sites.
Layunin ng assessment at profiling na matukoy ang kalagayan at agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya upang mapabilis ang paghahatid ng kinakailangang humanitarian assistance.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang MSSD sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang maagap, organisado, at episyenteng pagtugon sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.








Views Today : 127
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 879
Views Last 30 days : 4444
Views This Month : 3097
Views This Year : 29691
Total views : 41826
Leave a Reply