COTABATO CITY — Dinagsa ng daan-daang residente mula sa loob at labas ng lungsod ang Voter’s Education Campaign ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na isinagawa noong Hulyo 18 sa Barangay Bagua 1, bilang paghahanda sa kauna-unahang regular na BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.
Inorganisa ng Political Committee (POLCOM) ng Moro Islamic Liberation Front (M!LF) ang aktibidad upang palawakin ang kaalaman ng mga Bangsamoro voter hinggil sa parliamentary electoral system at tamang proseso ng pagboto.
Pinangunahan ang programa ng Tanggapan ni Member of Parliament Mohagher Iqbal, kasama sina Dr. Zulqarneyn Abbas, Barangay Captain Teng Midtimbang, at Councilor Guiadzuri “Elyboy” Midtimbang, na nagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga kwalipikasyon ng mga botante at mga hakbang sa pagboto.
Nagpakita rin ng suporta sa voter education campaign sina Atty. Sheriff Abas, City Councilor Faidz Edzla, at City Councilor Mohammad Jonas.
Ayon sa mga organizer, layunin ng programa na matiyak na magiging mulat, handa, at responsable ang bawat Bangsamoro voter upang maisagawa ang isang malaya, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan sa unang parliamentary elections ng BARMM.








Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply