𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐁𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐀𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐈𝐅𝐅 𝐀𝐆𝐔𝐀𝐊, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐃𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓

Agarang nagpaabot ng cash assistance ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga biktima ng pagsabog ng granada sa Shariff Aguak bilang bahagi ng mabilis na pagtugon sa insidente.

Sa direktiba ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., personal na ipinamahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang tulong pinansyal sa mga sugatang ginagamot sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) at John Mark D. Villanueva Medical Clinic and Hospital.

Layunin ng agarang ayuda na makatulong sa gastusin sa pagpapagamot at iba pang agarang pangangailangan ng mga biktima habang nagpapagaling mula sa trahedya.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng “Serbisyong May Puso”, na naglalayong maghatid ng maagap at makataong serbisyo sa bawat Maguindanaon sa panahon ng krisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028521
Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677