Tumanggap ng learners’ kits ang 101 mag-aaral ng Ma’had Kutawato Al-Islamie Inc. sa isinagawang distribution program sa paaralan sa Campo Muslim, Mother Bagua, bilang bahagi ng pagsuporta sa dekalidad at values-based Islamic education sa Bangsamoro.
Pinangunahan ang programa ni Ustadh Abdulhadi Daguit mula sa Tanggapan ni Member of Parliament Mohagher M. Iqbal, na nagbahagi ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, mabuting asal, at mga prinsipyong Islamiko. Pinangunahan naman ni Sheik Abdulkadir Buday ang pagtanggap sa mga kalahok, habang isinagawa ang ceremonial turnover ng mga learners’ kits.
Sa mensahe ng kinatawan ng tanggapan ni MP Iqbal na si Shilahuddin A. Usman, muling tiniyak ang patuloy na suporta sa mga programang pang-edukasyon para sa kabataang Bangsamoro. Nagpahayag din ng pasasalamat sina Moder Dr. Mahmood S. Ahmad at Moder Margany R. Gumander sa mga katuwang na naging daan sa matagumpay na programa.
Dinaluhan ng 115 kalahok, kabilang ang mga mag-aaral, guro, at school personnel, ang aktibidad na nagpatibay sa layuning isulong ang mas malawak na access sa edukasyong nakabatay sa kaalaman, pananampalataya, at mabuting pagpapahalaga.








Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply