COTABATO CITY — Ipinagpatuloy ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) First District parliamentary candidate at dating COMELEC Chairman Atty. Sheriff Abas ang kanyang community outreach sa Barangay Poblacion 4, kung saan personal siyang nakipagkita sa mga residente at nagpaabot ng ayuda.
Sa kanyang Facebook post, binigyang-diin ni Abas na ang tunay na paglilingkod ay dapat walang kinikilingan at bukas para sa lahat, kasabay ng pagpapatuloy ng mga programang direktang nakararating sa mamamayan.
Nagpasalamat din siya sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Poblacion 4, gayundin kina Tita Zenny, Vilo Elementary School Head, mga UBJP leaders, supporters, volunteers, at kina City Councilors Jonas Muhammad at Aik Edzla sa kanilang pakikiisa sa isinagawang aktibidad.
Ayon kay Abas, mananatiling nakatuon ang kanilang mga programa sa paghahatid ng serbisyong direktang nakararating sa mga komunidad.







Views Today : 76
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 849
Views Last 30 days : 4418
Views This Month : 2954
Views This Year : 29548
Total views : 41683
Leave a Reply