Patuloy ang konstruksyon ng bagong Training Center Building sa bayan ng Sultan sa Barongis, isang proyektong naglalayong palawakin ang access ng mga residente sa mga programa sa pagsasanay, pagpapaunlad ng kasanayan, at peacebuilding initiatives.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, bahagi ang proyekto ng malawakang programa sa pagtatayo ng mga training centers sa iba’t ibang munisipalidad sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.
Inaasahang magsisilbing sentro ang pasilidad para sa mga pagsasanay, livelihood programs, at iba pang aktibidad na magpapalakas sa kakayahan ng mga residente at magtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa komunidad.
Binigyang-diin ng Provincial Government na ang pagtatayo ng Training Center ay bahagi ng layunin nitong makapaghatid ng inklusibong serbisyo at makalikha ng mas matatag, ligtas, at maunlad na pamayanan sa Maguindanao del Sur.








Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply