Patuloy na pinalalawak ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang kampanya nito sa voter education matapos magsagawa ng seminar sa munisipalidad ng Tipo-Tipo, Basilan, bilang paghahanda sa kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliamentary Elections.
Sa isinagawang seminar, ipinaliwanag sa mga kalahok ang bagong parliamentary electoral system, tamang proseso ng pagboto, at ang mga karapatan at responsibilidad ng bawat botante sa ilalim ng bagong sistema ng halalan sa BARMM.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga residente, community leaders, at iba pang stakeholders na nakiisa sa layuning mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa makasaysayang halalan na gaganapin sa Setyembre 14, 2026.
Ayon sa UBJP, bahagi ang voters’ education campaign ng patuloy nitong inisyatiba upang matiyak na magiging mulat, handa, at responsable ang bawat Bangsamoro voter sa paggamit ng kanilang karapatang bumoto.








Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply