Naghatid ng rice assistance ang Office of Member of Parliament Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Malapatan, Sarangani, sa ilalim ng programang Kaalalai sa Kalamidad.
Layunin ng inisyatiba na magbigay ng agarang suporta sa mga pamilyang dumaranas ng matinding epekto ng kalamidad at makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang nagpapatuloy ang pagbangon ng komunidad.
Ayon sa tanggapan ni MP Dumama-Alba, bahagi ang programa ng patuloy na pagsuporta sa layunin ng Bangsamoro Government na maghatid ng makataong serbisyo sa mga Bangsamoro communities, kabilang ang mga naninirahan sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nagpahayag din ng pasasalamat ang tanggapan sa mga lokal na partner, community leaders, at volunteers na tumulong upang maayos na maipamahagi ang ayuda sa mga benepisyaryo.
Binigyang-diin ni MP Dumama-Alba na ang tunay na paglilingkod ay hindi nalilimitahan ng hangganan ng rehiyon, kundi umaabot saanman naroroon ang mga Bangsamorong nangangailangan ng tulong.







Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply