ππ„ππƒπˆππ† 𝐌!𝐋𝐅 π€πŒππ„π’π“π˜ π€πππ‹πˆπ‚π€π“πˆπŽππ’, 𝐃𝐀𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‘π„π„π•π€π‹π”π€π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 πŒπˆπ‹π…-𝐀𝐇𝐉𝐀𝐆

Nanawagan ang Moro Islamic Liberation Front–Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG) sa lahat ng mga miyembro ng MILF na may nakabinbing aplikasyon para sa amnestiya na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang sumailalim sa kinakailangang reevaluation.

Batay sa abisong inilathala ng MILF-AHJAG sa opisyal nitong Facebook page, ang panawagan ay kasunod ng opisyal na liham mula sa Local Amnesty Board (LAB) ng National Amnesty Commission (NAC) kaugnay ng pagproseso ng mga pending amnesty applications.

Partikular na saklaw ng abiso ang mga aplikanteng residente ng Special Geographic Area (SGA), Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur, na hinihikayat na magtungo sa MILF-AHJAG Office sa lalong madaling panahon para sa beripikasyon at karagdagang gabay.

Ayon kay Anwar S. Alamada, MPA, Certifying Officer for MILF Amnesty Applicants ng MILF-AHJAG, mahalaga ang reevaluation upang maipagpatuloy ang pagproseso ng mga aplikasyon sa ilalim ng confidence-building measures ng peace agreement sa pagitan ng MILF at ng Government of the Philippines (GPH)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

028620
Views Today : 122
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 4439
Views This Month : 3092
Views This Year : 29686
Total views : 41821