Umabot sa 1,500 residente mula sa Barangay San Jose at mga karatig-lugar ang nakinabang sa libreng medical mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur nitong Hulyo 21, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Serbisyong may Puso.
Naghatid ang programa ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan kabilang ang eye check-up, libreng salamin sa mata, dental extraction, libreng tuli, medical consultation, at pamamahagi ng libreng gamot para sa mga nangangailangan.
Bukod sa serbisyong medikal, namahagi rin ang provincial government ng 1,500 packed meals, 200 rice packs, at mainit na lugaw na may kalabasa at malunggay upang matiyak ang sapat na nutrisyon ng mga dumalo. Nagkaroon din ng libreng gupit para sa mga kabataan.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, bahagi ang aktibidad ng Give Heart Agenda sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, na naglalayong mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad at matiyak na walang mamamayang maiiwan sa pagtanggap ng pangunahing serbisyo.








Views Today : 127
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 879
Views Last 30 days : 4444
Views This Month : 3097
Views This Year : 29691
Total views : 41826
Leave a Reply