Kabuuang 250 teaching at non-teaching personnel mula sa 13 kinikilalang Madaris ng Directorate General for Madaris Education (DGME)-MBHTE ang tumanggap ng One-Time Cash Assistance sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni Member of Parliament Mohagher M. Iqbal.
Isinagawa ang turnover ceremony noong Martes sa Sub-Office ni MP Mohagher M. Iqbal sa Commission on Population Building, BARMM Compound, Cotabato City, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro at kawani sa pagsusulong ng dekalidad at values-based Islamic education sa Bangsamoro.
Ayon sa mga organizer, layunin ng programa na suportahan ang kapakanan ng mga teaching at non-teaching personnel na nagsisilbi sa mga kinikilalang Madaris at patuloy na nag-aambag sa paghubog ng kaalaman, pananampalataya, at mabuting asal ng mga kabataang Bangsamoro.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na suporta sa sektor ng Madaris upang higit pang mapaunlad ang faith-based education sa rehiyon.









Views Today : 121
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 873
Views Last 30 days : 4438
Views This Month : 3091
Views This Year : 29685
Total views : 41820
Leave a Reply