Nakibahagi ang 100 persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang bayan ng Lanao del Sur sa outreach activity at orientation na inilunsad ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) bilang bahagi ng paggunita sa ika-48 National Disability Rights Week, na ginanap noong Hulyo 21, 2026 sa Diyanaton Naim Gymnasium sa Barangay Bayabao, Butig.
Pinangunahan ng Older Persons and Persons with Disabilities Welfare Program ng MSSD Lanao del Sur B Provincial Office at Butig Municipal Field Unit ang aktibidad, na naghatid ng iba’t ibang serbisyo kabilang ang assessment para sa prosthesis at customized wheelchairs, pamamahagi ng wheelchairs at saklay, at medical assistance intake sa ilalim ng B-CARES Program.
Nagbigay rin ng orientation ang Municipal Persons with Disabilities Affairs Office ng Kapatagan hinggil sa mga karapatan, benepisyo, at pribilehiyo ng mga persons with disabilities. Kasabay nito, sumailalim ang mga provincial field workers sa Basic Filipino Sign Language Training upang higit pang mapaunlad ang inclusive at accessible na serbisyo para sa sektor.
Nagkaloob din ng libreng medical consultation, gamot, at eye check-up ang Rural Health Unit ng Ministry of Health, habang namahagi naman ang Provincial Social Welfare and Development Office ng Lanao del Sur ng welfare goods at tig-25 kilong bigas sa mga benepisyaryo. Nagsagawa rin ng libreng mobile birth registration ang Community and Family Services International (CFSI) katuwang ang Local Civil Registry upang matulungan ang mga PWD na makakuha ng mahahalagang dokumento para sa pag-avail ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Ayon kay Butig Municipal Social Welfare Officer Nadia Bubong, mahalaga ang ganitong mga programa upang mailapit ang mga serbisyong pampamahalaan sa mga persons with disabilities, lalo na sa mga liblib na komunidad, at matiyak ang pantay na oportunidad at pamumuhay na may dignidad.








Views Today : 63
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 3791
Views This Month : 3287
Views This Year : 29881
Total views : 42016
Leave a Reply