Itinampok ng Yeni Εafak, isa sa mga nangungunang international news outlets ng TΓΌrkiye, ang buhay at pamumuno ni Al Haj Murad Ebrahim, ang Amirul Mujahideen ng Bangsamoro, sa isang espesyal na artikulo na tumatalakay sa kasaysayan ng Bangsamoro struggle.
Sa artikulong may pamagat na βA Life Shaped by the Bangsamoro Struggle,β inilahad ang naging papel ni Murad Ebrahim sa mahabang pakikibaka ng Bangsamoro para sa kapayapaan, sariling pagpapasya, at pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Tinalakay rin sa feature ang kanyang pamumuno sa iba’t ibang yugto ng Bangsamoro peace process at ang mga hamong hinarap sa pagsusulong ng isang mapayapa at demokratikong Bangsamoro.
Ang pagkakatampok sa isang international news outlet ay nagpapakita ng patuloy na pandaigdigang interes sa kasaysayan ng Bangsamoro at sa mga mahahalagang pangyayari na humubog sa kasalukuyang rehiyon.









Views Today : 53
Views Yesterday : 138
Views Last 7 days : 857
Views Last 30 days : 3757
Views This Month : 3579
Views This Year : 30173
Total views : 42308
Leave a Reply