Hindi naging hadlang ang malakas na ulan sa ipinakitang dedikasyon ng mga miyembro ng FBYLO (Future Bangsamoro Youth Leaders Organization), na katuwang ang mga supporters at volunteers ni UBJP Cotabato City 3rd District Representative Prof. Hashim B. Manticayan, sa paglalagay ng mga campaign tarpaulins bilang pagpapakita ng suporta sa partido at kandidato.
Sa kabila ng hindi magandang panahon, sama-samang kumilos ang mga kabataang boluntaryo upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo at ambag sa kampanya.
Ayon sa FBYLO, ang kanilang simpleng pagkilos ay sumasalamin sa kahandaan ng kabataang Bangsamoro na maglingkod sa komunidad at makiisa sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa. Anila, higit sa anumang gantimpala sa mundo, ang kanilang hangarin ay ang makamit ang kaluguran at gantimpala mula kay Allah (SWT).
Iginiit din ng grupo na handa silang maglingkod anumang oras at anumang panahon bilang bahagi ng kanilang pananagutan sa komunidad at sa kinabukasan ng Bangsamoro.









Views Today : 53
Views Yesterday : 138
Views Last 7 days : 857
Views Last 30 days : 3757
Views This Month : 3579
Views This Year : 30173
Total views : 42308
Leave a Reply