𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐖𝐈-𝐓𝐀𝐖𝐈; 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐈𝐃𝐄𝐑 𝐀𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃 𝐕𝐎𝐓𝐄𝐒 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀

Mainit na sinalubong ng mga lider ng komunidad ang ABoT Party President Dr. Samsodin Amella, kasama ang 4th Nominee Atty. Bador Mangindra at 14th Nominee Abdulbasir Mustapha, sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga lokal na lider sa Tawi-Tawi.

Kasama rin sa aktibidad ang 10th Nominee Rahima Bawasanta, na nakibahagi sa talakayan upang higit pang pagtibayin ang koordinasyon at suporta ng mga komunidad para sa partido.

Naging sentro ng pagpupulong ang mga estratehiya sa kampanya, pagpapalakas ng ugnayan sa mga lider ng komunidad, at pagmomobilisa ng mga command votes bilang paghahanda sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon sa mga lider ng ABoT Party, layunin ng patuloy na pag-iikot sa iba’t ibang lalawigan na mapagkaisa ang mamamayan at maihatid ang kanilang tunay na boses sa Bangsamoro Parliament.

Binigyang-diin din ng partido ang pagsusulong ng pagkakaisa, pag-asa, at tunay na representasyon para sa bawat Bangsamoro, mula Tawi-Tawi hanggang sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032182
Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269