𝟏,𝟕𝟑𝟕 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐒𝐒𝐃

Umabot sa 1,737 indigent senior citizens sa bayan ng Tugunan ang nakatanggap ng kanilang buwanang ayuda sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) Program ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa isinagawang site at house-to-house payout nitong Hulyo.

Sa ilalim ng programa, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng ₱1,000 buwanang social pension upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Isinagawa ang payout sa pamamagitan ng parehong site distribution at house-to-house delivery upang matiyak na maging ang mga nakatatandang hindi na kayang magtungo sa payout sites ay makatanggap ng kanilang benepisyo.

Ayon sa MSSD, layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang mga indigent senior citizens at mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na social protection services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032182
Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269