Pinangunahan ni Prof. Hashim B. Manticayan, kandidato ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) para sa 3rd District Representative ng Cotabato City, ang Tilagad sa Barangay na ginanap sa Barangay Poblacion 9.
Naging mahalagang pagkakataon ang aktibidad upang personal na makadaupang-palad ni Manticayan ang mga residente, pakinggan ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at pangunahing pangangailangan ng komunidad.
Kasabay nito, ibinahagi rin niya ang mga layunin ng kanyang HBM Flagship Programs, na nakatuon sa moral na pamumuno, inklusibong pag-unlad, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programang pangkaunlaran.
Ayon kay Manticayan, mahalaga ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang matiyak na ang mga programang isusulong ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang Tilagad sa Barangay ay bahagi ng patuloy na grassroots engagement ng kanyang kampanya, na naglalayong higit pang patatagin ang pagkakaisa ng mga residente at isulong ang kapayapaan, mabuting pamamahala, at inklusibong kaunlaran sa Bangsamoro.








Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269
Leave a Reply