Nagpahayag ng pasasalamat si dating COMELEC Chairman Atty. Sheriff Abas, kandidato ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) para sa District 1 Representative ng Cotabato City, sa mga Barangay Leaders ng Sektor ng Kababaihan matapos ang isang makabuluhang pagpupulong.
Kasama ni Atty. Abas sa aktibidad si UBJP Women Sectoral Candidate Engr. Aida Silongan, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng patuloy na pakikinig, pakikipagtulungan, at pagsusulong ng mga programang naglalayong mapalakas ang papel ng kababaihan sa komunidad.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Abas na ang pag-unlad ng kababaihan ay mahalagang salik sa pag-unlad ng buong lipunan, at nangakong patuloy na isusulong ang mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad at suporta sa sektor.
Ayon sa kanyang Facebook post, nananatiling mahalaga ang pagkakaisa ng mga lider ng kababaihan upang maisulong ang inklusibong pag-unlad at mas matatag na komunidad sa Cotabato City.









Views Today : 55
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 521
Views Last 30 days : 2178
Views This Month : 793
Views This Year : 34136
Total views : 46271
Leave a Reply