𝐃𝐑𝐄𝐃𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐋𝐎𝐃, 𝐔𝐌𝐔𝐔𝐒𝐀𝐃: 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀, 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃

Patuloy na isinusulong ang mga hakbang para sa mas ligtas na komunidad sa pamamagitan ng Dredging Project sa Barangay Bulod, General Salipada K. Pendatun. Isinasagawa ang clearing at dredging operations sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, katuwang ang Ministry of Public Works-BARMM at DPWH Region XII.

Sa kasalukuyang operasyon, humigit-kumulang 25 metro ng daluyan ng tubig ang nalilinis, habang nagpapatuloy din ang waterway clearing sa Lake Buluan. Layunin ng mga hakbang na mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong sa pagbawas ng panganib ng pagbaha sa mga apektadong komunidad.

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Municipal Mayor Mielyn D. Ali at ng mga barangay lider, pinagtitibay ang sama-samang pagkilos para sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente. Higit sa flood mitigation, ang proyekto ay bahagi rin ng mas malawak na pagsusulong ng ligtas, matatag, at mapayapang komunidad—kaakibat ng peacebuilding advocacy nina Vice Governor Hisham Nando, Congressman Esmael Mangudadatu, at ng Kamalayan Partylist, sa ilalim ng layuning maghatid ng Serbisyong May Puso para sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032131
Views Today : 51
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 517
Views Last 30 days : 2217
Views This Month : 729
Views This Year : 34072
Total views : 46207