𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐋𝐎, 𝐈𝐃𝐄𝐃𝐄𝐏𝐋𝐎𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐔𝐍𝐀-𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐋𝐈𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍

Higit 10,000 tauhan ng Philippine Army ang itinalaga para tumulong sa seguridad ng kauna-unahang parliamentary election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa Setyembre 14, 2026.

Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Colonel Jose Regonay Jr., nasa 10,031 sundalo at CAFGU Active Auxiliary members mula sa 1st, 6th at 11th Infantry Divisions ang idineploy para sa halalan.

Kabilang din sa deployment ang mga special units ng Army bilang bahagi ng mas malawak na hakbang upang matiyak ang mapayapa at ligtas na unang parliamentary election sa BARMM.

Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na patuloy na mino-monitor ng militar ang mga posibleng banta sa seguridad habang papalapit ang araw ng halalan.

Ayon kay Padilla, patuloy na magsasagawa ang AFP ng security assessment at intelligence monitoring, kasabay ng koordinasyon sa Commission on Elections o COMELEC, Philippine National Police, mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.

Pangunahing layunin umano ng deployment na maiwasan ang karahasan, maprotektahan ang mga komunidad, at matiyak ang ligtas na kapaligiran upang malayang makaboto ang mga Bangsamoro nang walang pangamba.

Binigyang-diin din ni Padilla na hindi makikialam ang militar sa pagpili ng mga botante at igagalang nito ang demokratikong proseso.

Samantala, kaugnay ng posibilidad na magkaroon ng panghihimasok o kaguluhan mula sa mga lawless elements sa Mindanao, sinabi ng AFP na isinasaalang-alang nito ang lahat ng posibleng panganib habang papalapit ang halalan.

Ang BARMM parliamentary election ay nakatakda sa Setyembre 14, kung saan unang pipili ang mga botante ng mga magiging miyembro ng Bangsamoro Parliament.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032131
Views Today : 51
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 517
Views Last 30 days : 2217
Views This Month : 729
Views This Year : 34072
Total views : 46207