Pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang paghahanda para sa mga programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng economic profiling at coordination meeting sa Datu Saudi Ampatuan noong Agosto 18, 2026.
Kinatawan ni Mr. Roger D. Dionisio ang Office of the Provincial Administrator, sa direktiba ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang, habang pinangunahan naman ni Mayor Bassir B. Utto ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan. Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng tumpak at updated na economic data mula sa LEDIPO upang magsilbing matibay na batayan sa pagpaplano ng mga programang pangkabuhayan.
Kasabay nito, isinagawa rin ang site inspection para sa planong Kabuhayan Hub, na inaasahang magiging sentro ng livelihood initiatives at iba pang oportunidad para sa mga mamamayan. Bahagi ito ng pagpapatuloy ng PaGASENSO Program o Pag-Asenso, Bagong Simula, na naglalayong itulak ang mas inklusibo, matatag, at sustenableng pag-unlad ng ekonomiya sa Maguindanao del Sur.







Views Today : 51
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 517
Views Last 30 days : 2217
Views This Month : 729
Views This Year : 34072
Total views : 46207
Leave a Reply