Matagumpay na natapos noong Agosto 14, 2026 ang tatlong araw na Capacity-Building Activity para sa Former Violent Extremists (FVEs) sa ilalim ng PaGASENSO Program, isa sa mga pangunahing bahagi ng DATU ALI ng MDS Peace and Order Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.
Sa loob ng tatlong araw, sumailalim ang mga kalahok sa profiling, values formation, Islamic and moral values sessions, entrepreneurial mindset training, at mga workshop na naglalayong tulungan silang makapaghanda para sa bagong kabuhayan at mas maayos na pagbabalik sa kanilang mga pamilya at komunidad. Ang aktibidad ay isinagawa sa Mango Grove, Datu Anggal Midtimbang, sa pangunguna ng Office of the Provincial Administrator sa ilalim ng direktiba ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang, katuwang ang Ministry of Trade, Investments and Tourism–Maguindanao del Sur.
Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng Certificates of Completion ang mga kalahok at nabigyan din ng agarang tulong bilang bahagi ng patuloy na suporta para sa kanilang reintegration at economic recovery. Suportado ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, kasama ang security sector, partner agencies, at iba pang stakeholders—isang hakbang upang bigyan ng bagong pagkakataon, kabuhayan, at direksyon tungo sa mapayapa at produktibong pamumuhay ang mga dating nasangkot sa karahasan.







Views Today : 51
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 517
Views Last 30 days : 2217
Views This Month : 729
Views This Year : 34072
Total views : 46207
Leave a Reply