‘HINDI FORGIVE AND FORGET’: IQBAL BINIGYANG-DIIN ANG HUSTISYA SA BANGSAMORO

Sa isang Press conference ukol sa Transitional Justice and Reconciliation, sinabi ni MP Mohagher Iqbal na mahalaga ang pagharap sa nakaraan upang maunawaan ang mga ugat ng sigalot at maabot ang tunay na kapayapaan sa Bangsamoro. Tinawag niyang “puso at kaluluwa” ng peace process ang TGR dahil tinutukoy nito ang pagkawala ng lupa, paglabag sa karapatang pantao, paglikas, at pagbaluktot ng kasaysayan.

Ayon kay Iqbal, hindi dapat kalimutan ang nakaraan, sapagkat dito nakasalalay ang direksiyon ng hinaharap. Binanggit niya na bagama’t hindi na maibabalik ang maraming nangyari, may mga paraan pa ring maihatid ang hustisya—sa pagtama, pagbabayad, o paghingi ng tawad. Ngunit aniya, hindi sapat ang simpleng “forgive and forget,” dahil masalimuot at masakit ang pinagdaanan ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020682
Views Today : 64
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 596
Views Last 30 days : 3554
Views This Month : 2180
Views This Year : 18042
Total views : 30177