Inanunsyo ng Office of the Minister ng Ministry of Health–BARMM nitong Disyembre 30, 2025 na pinagbigyan ang apela ni Health Minister Kadil M. Sinolinding, Jr., MD, DPBO kaugnay ng appointment ng walong kawani ng kagawaran na dati’y hindi inaprubahan ng Civil Service Commission Field Office–Cotabato City.
Ayon sa opisyal na pahayag, binaligtad at isinantabi ang naunang desisyon ng CSC FO–Cotabato City na nagdi-disapprove sa permanent appointment ng mga nasabing indibidwal, matapos tanggapin ang apela ng Kalihim ng Kalusugan.
Ang mga kawani na saklaw ng desisyong ito ay sina:
Norhata Enampadan, Zayda Dataman, Jeremy Toledo, Nemia Sente, Alladin Dayaan, Mae Sinsuat, Mowalim Kalim, at Sittie Fhayda Zainal.
Nilinaw ng MOH-BARMM na ang naturang anunsyo ay inilabas upang itama ang anumang kalituhang dulot ng naunang pahayag, at upang pormal na ipabatid na ganap nang kinikilala ang bisa ng kanilang mga appointment.
Pinagtitibay ng hakbanging ito ang kapangyarihan ng pamunuan ng MOH-BARMM na ipagtanggol ang lehitimong appointment ng mga kawani, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at proseso ng serbisyo sibil.








Views Today : 119
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 651
Views Last 30 days : 3609
Views This Month : 2235
Views This Year : 18097
Total views : 30232
Leave a Reply