Naglaan ang LGU Pahamuddin ng ₱500,000 medical assistance sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Dr. Ramon Pesante Clinic & Hospital, Inc. upang tulungan ang mga mahihirap at indigent na residente ng bayan sa kanilang gastusing medikal.
Sa pangunguna ni Mayor Yasser B. Ebrahim, layunin ng programa na mabigyan ng agarang serbisyong medikal ang mga pasyenteng nangangailangan, lalo na sa mga emergency cases. Ang tulong ay ibabawas mula sa pondong inilaan ng LGU at sasaklaw sa iba’t ibang serbisyong medikal ng ospital.
Mga Kailangang Dokumento:
- Hospital Bill
- Medical Certificate
- Certificate of Indigency
- Valid ID ng pasyente
- Valid ID ng watcher/guardian
Patuloy ang LGU Pahamuddin sa pagsusulong ng mga programang naglalayong tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.







Views Today : 2
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 663
Views Last 30 days : 3621
Views This Month : 2247
Views This Year : 18109
Total views : 30244
Leave a Reply