Naglabas ng mensahe ang Abdulraof A. Macacua, Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bilang pakikiisa sa buong Bangsamoro at sa Ummah sa pagpasok ng Banal na Buwan ng Ramadhan 1447 AH.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Macacua ang malalim na aral ng Ramadhan—ang pagpipigil sa sarili, pagninilay, at sakripisyo bilang daan tungo sa tunay na lakas at kaliwanagan. Ayon sa kanya, ang pag-aayuno ay nagtuturo ng pagtitiis, ang panalangin ay nagpapalalim ng pagpapakumbaba, at ang pagbibigay ay humuhubog ng malasakit.
Iginiit ng Chief Minister na ang Ramadhan ay panahon upang suriin ang sariling puso bago hangaring baguhin ang mundo sa paligid. Aniya, ang pangmatagalang kapayapaan ay nagsisimula sa moral na lakas, ang katarungan ay nakaugat sa personal na integridad, at ang pag-unlad ay pinalalakas ng pananampalataya.
Hinimok din niya ang mga nakatatanda at kabataan, manggagawa at propesyunal, lider at mamamayan na gamitin ang buwan ng Ramadhan upang paghilumin ang pagkakahati, ibalik ang tiwala, at sama-samang tahakin ang landas ng pananagutan at pananampalataya.
Bilang pagtatapos, nagpaabot siya ng panalangin na tanggapin nawa ng Allah ang pag-aayuno at panalangin ng bawat isa, patawarin ang mga pagkukulang, at pagkalooban pa ng maraming Ramadhan ang Bangsamoro sa mga darating na taon.








Views Today : 102
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 680
Views Last 30 days : 3629
Views This Month : 2347
Views This Year : 18209
Total views : 30344
Leave a Reply